Nauwi sa aksidente ang pag-shortcut sana ng isang jeep sa Antipolo, Rizal, kung saan, walo katao ang sugatan nang masagasaan nito ang siyam na sasakyan bago bumangga sa mga concrete barrier.
Ayon sa awtoridad, binabaybay ng pampasaherong sasakyan ang Sumulong Highway sa Barangay Dela Paz nang mawalan ng preno ang jeepney at sumalpok sa barrier.
Dinala sa ospital ang jeepney driver na si Roy Franco at pitong driver ng mga sasakyan na naaksidente para gamutin ang mga natamo ng mga ito.
Sa insedente, sinampahan si Franco ng reckless imprudence resulting in multiple damage to property with physical injury.
Samantala, nagkasundo si Franco at ang mga sugatang driver na ayusin ang idinulot nitong perwisyo.