Magsisimula na sa huling bahagi ng 2025 ang partial operations ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Ayon kay Transportation Undersecretary Jeremy Regino, handa na para sa mga commuter ang North Avenue Station hanggang Quirino Station sa susunod na taon.
Samantala, sa 2026 pa aarangkada ang tren sa Tala station sa Caloocan City habang sa 2027 naman ang San Jose Station sa San Jose Del Monte, Bulacan kung hindi magkakaroon ng delays.
Sakaling maging fully operational, inaasahang mase-serbisyuhan ng MRT-7 ang 300,000 pasahero sa unang taon at mababawasan na ang oras ng biyahe mula quezon city hanggang San Jose Del Monte, Bulacan ng hanggang 35 minuto na lamang.