Naalarma ang mga tao matapos tila himatayin ang isang pulis habang ginaganap ang isang parada sa Cuyo, Palawan.
Subalit ang lalaki, agad ring bumangon upang mag-propose ng kasal sa kanyang kasintahan!
Naging magkaklase sa kolehiyo ang magkasintahan na sina Joel at Rosemary. Matagal na silang nag-iibigan at naghihintay na lamang ng tamang panahon upang mag-isang dibdib.
Walang kaalam-alam si Rosemary na sa mismong pagdiriwang ng Purongitan Festival, aalukin na siya ng kasal ng kanyang pinakamamahal.
Hindi naman nauwi sa wala ang effort ni Joel dahil nakuha rin niya ang matamis na “oo” ng kanyang future wife.
Napasayaw na lamang sa tuwa ang pulis, habang masaya ring naki-celebrate ang mga dumalo sa pista na naging mas makulay at masigla dahil sa pagmamahalan ng dalawa.