Patay sa saksak ang isang 16-anyos na binatilyo sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang madugong krimen, nag-ugat umano sa pagwawala ng biktima habang lasing.
Ayon sa awtoirdad, ang insidente ay kinasasangkutan ng suspek na pinsan din ng biktima kasama ang pitong iba pa.
Nang malasing ang biktima, sinimulan umano nitong suntukin ang dingding ng isang abandonadong bahay kung saan sila nag-iinuman. Dahil sa biglang pagwawala ng biktima mabilis na umalis ang mga kasama nito at naiwan na lamang ang suspek.
Nang tangkaing pakalmahin ng suspek ang biktima, galit na binalingan siya ng biktima at sinakal ito.
Bilang pagtatanggol sa sarili, sinaksak umano ng suspek ang biktima gamit ang hunting knife at mabilis na umalis sa lugar
Inamin naman ng suspek ang ginawang krimen sa kanyang mga magulang, at itinurn-over siya sa mga awtoridad.
Dinala ang suspek sa kustodiya ng Kasibu Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ng Women’s and Children’s Protection Desk at ibibigay sa Department of Social Welfare and Development pagkatapos ng inquest proceedings para sa kasong homicide.