Sapul sa CCTV ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang tangkang pagtakas ng isang Chinese POGO worker sa Detention Facility ng PAOCC sa Pasay City sa kasagsagan ng pag-ulan.
Gayunman, agad nabuking ang pag-eskapo ng nasabing Chinese national dahil sa naiwang sapatos nito sa bakod ng nasabing pasilidad dahilan upang suriin ng mga bantay ang CCTV.
Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, ang naturang Chinese national ay kabilang sa mga nahuling trabahador ng POGO sa Bamban, Tarlac.
Dagdag pa ni Usec. Cruz, na nagtamo ng ilang sugat sa likod ang nagtangkang tumakas na POGO Worker na agad namang ipinasuri sa mga eksperto.