Posibleng madagdagan pa ang mga kasong kinahaharap ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, isa sa maaring madagdag sa kaso ng sinibak na alkalde ay ang paglabag sa immigration law ng pilipinas dahil sa iligal na pagtakas nito ng bansa.
Maituturing naman na isang babala sa mga nagtatago sa batas ang pagkakaaresto kay guo sa Indonesia.
Dagdag pa ni Sol Gen, na patunay ito na mahaba ang kamay ng batas at mahahabol ang sinumang mga nagtatago.