Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kampanya laban sa paglaganap ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na OSAEC Summit 2024, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na halos kalahating milyong bata sa Pilipinas ang nabiktima na ng online sexual abuse at exploitation.
Ayon sa pangulo, nakakahiya dahil kulang pa ang ginagawa ng pamahalaan upang labanan ang ganitong uri ng krimen at patuloy pa ring namamayagpag ang mga sangkot dito.
Upang tuluyan itong mapuksa, binuo ng pangulo ang Presidential Office for Child Protection (POCP) na magsisilbing sentro ng lahat ng estratehiya at resources upang matiyak na protektado at suportado ang bawat bata sa bansa.
Dagdag pa rito, inatasan din ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya na palakasin pa ang pagpapanagot sa mga taong nasa likod ng pang-aabuso sa mga bata.