Kapag nagbabakasyon kayo ng iyong pamilya o mga kaibigan, magkano ang inilalaan niyong budget?
Kung gusto niyong ma-solo ang isang island resort na ito sa Palawan, kailangan mo lang naman maghanda ng humigit-kumulang P6 million!
Matatagpuan ang Banwa Private Island sa Brgy. Tumarbong, Roxas, Palawan. Upang direktang makarating dito, kailangan mong sumakay sa isang helicopter.
Sa halagang P6 million per night para sa 48 guests, pwede niyong i-enjoy ang amenities ng resort katulad ng jacuzzi, infinity pool, at butler service. Marami rin ditong exciting activities, gaya ng snorkeling, golf, nature walk, stargazing, at spa sessions.
Pagdating naman sa food trip, asahan mong masa-satisfy ang cravings mo dahil marami ka ritong pagpipilian—mula sa seafood, farm-fresh vegetables, hanggang sa imported meat. Sigurado ring fresh at healthy ang kakainin mo dahil mayroong sariling organic farm ang isla.
Sabi nga nila, naibabalik ang pera, ngunit ang maganda at kakaibang karanasan, mananatili sa atin habambuhay.