Sinaksak hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng apat na suspek sa loob ng kanyang bahay sa quezon city.
Kinilala ng awtoridad ang biktimang si Andrew Fulgencio, 22-anyos.
Agad namang naaresto ang mga suspek na pawang mga Aircon Technician.
Batay sa report ng Holy Spirit Police Station 14, humingi ng saklolo si Alvin, ama ng biktima matapos na pagsasaksakin ng mga suspek ang kaniyang anak sa loob mismo ng tahanan nito.
Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pananaksak.
Samantala, inihahanda na ang kasong homicide laban sa mga salarin.