Kasado na sa susunod na buwan ang ilulunsad na “Bakuna-Eskwela” Program ng Department of Health at Department of Education.
Sa press briefing sa malakanyang, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na sa ilalim ng nasabing programa, makakatanggap ng bakuna laban sa tigdas, rubella, tetano, at dipterya ang mga grade 1 at grade 7 students.
Bibigyan naman ng Human Papillomavirus vaccine ang mga babaeng estudyante na nasa grade 4 upang maiwasan ang cervical cancer.
Itinakda ang kick-off vaccination sa darating na Oktubre a-7 sa Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Maynila, habang isasagawa naman ang bakunahan sa lahat ng mga pampublikong paaralan tuwing biyernes sa loob ng nasabing buwan.
Target naman ng DOH na makamit ang 95% vaccination rate.
- sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13) at sa panulat ni Kat Gonzales