Todo ang suporta ng Trabaho Partylist sa mga hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka sa pamamagitan ng pagbura ng kanilang pagkakautang at paghandog ng iba’t ibang tulong pinansyal at makinarya.
Maaalala na noong ipinagdiwang ni Pangulong Marcos ang kanyang ika-67 na kaarawan (Setyembre 13), inihandog niya ang pagbura ng utang ng halos 6,000 magsasaka, bagay na tinutukan niya para mapalakas ang sektor ng agrikultura ng bansa.
Giit nila, layunin ng hakbang ng Pangulo na mapagaan ang kanilang pasanin at mapalakas ang sektor ng agrikultura.
Pahayag ng Trabaho, maaari ring tutukan ng pamahalaan ang pag-i-invest sa iba’t ibang sektor na maaaring sumuporta sa agrikultura tulad na lang ng turismo.
Nabatid na sa posibleng panukala ng Trabaho Partylist, maaaring palaguin ng pamahalan ang farm tourism, bagay na maaaring makapagbukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa sektor ng agrikultura at turismo.
Sabi pa ng grupo, kasama sa mga prayoridad ng pamahalaan na mapalakas ang dalawang sektor na ito, kaya’t nararapat lang na bumuo ng planong pabor sa mga Pilipinong manggagawa.
Maliba pa rito, malaking tulong na rin aniya ang paghandog ng non-wage benefits sa mga manggagawa sa travel and tourism sector, isang panukalang isusulong ng Trabaho Partylist sa Kongreso para sa lahat ng sektor.