Tuluyan nang nag-resign si Josh Reyes bilang coach ng Gilas Pilipinas Youth.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP, magkakaroon ng restructuring program kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Reyes.
Matatandaang unang sumabak si Reyes bilang head coach noong 2018 sa ilalim ng Under-18 Asian Championship.
Nakapasok sa ika-pitong pwesto ang squad sa 2022 Under-16 at pumang-anim naman sa 2022 Under-18 Asian Championships.
Samantala, wala pang napipisil ang SBP na magiging susunod na head coach ng koponan pero nilinaw ng grupo na ia-anunsiyo nila ito sa mga susunod na linggo.