Nagluluksa ang isang pamilya sa pagkawala ng kanilang 22-anyos na Army Reservist na namatay matapos bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa concrete barrier sa macapagal bridge sa Marikina City.
Noong araw din na iyon, natagpuan ng ama ng biktima na si Mario Lomboy ang bangkay ng kanyang anak.
Salaysay ng ama ng biktima sa pulisya, umalis si Lomboy sa kanyang tahanan sa Antipolo City kasama ang isa niyang anak na nagmamaneho papuntang Quezon City.
Sa pagdaan nila sa Marikina, napansin ni Mario ang tindi ng traffic at pinaghihinalaang maaaring nagkaroon ng aksidente.
Nang malapit na sila sa lugar, nakilala ni Mario ang isang motorsiklo na sangkot sa insidente at napagtanto na ang sakay ay ang kanyang bunsong anak na si John Marc.
Naisugod pa sa ospital mga biktima, ngunit idineklarang dead on arrival si John Marc.
Ayon sa Marikina Police Traffic Unit, sakay ng kaniyang motor si John Marc kasama ang isang babae nang mabangga nila ang concrete barrier sa center island.
Patuloy ang imbestigasyon habang hinihintay ng mga awtoridad ang paggaling ng babae sa ospital upang matukoy kung may iba pang sangkot sa insidente.