Itinanggi ng mga rice importer sa bansa na kanilang iniipit ang mga inangkat na bigas sa mga pantalan.
Ito ay matapos ang alegasyon na kanilang itinatambak ang mga ito hanggang tumaas ang bentahan.
Ayon sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), mabilis naman anilang kinukuha ang bigas na halos ngayong buwan pa lamang dumating.
Binigyang-diin ng PRISM na kung wala namang problema sa kanilang mga dokumento ay agad naman nilang inilalabas ang bigas na umaabot lamang ng pito hanggang sampung araw.
Dagdag pa ng nasabing samahan, posibleng isolated ang kaso ng mga container na nagtagal ng walong buwan sa mga port.