Matapos ang mahigit pitong dekada, himalang natagpuan ang isang lalaki sa California.
Si Luis Armando Albino, isang retiradong bumbero at Vietnam War Veteran sa East Coast, ay dinukot mula sa isang parke sa Oakland, California noong 1951 noong siya ay anim na taong gulang.
Naglalaro si Luis kasama ang nakatatandang kapatid nang lumapit sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng bandana, kinausap siya sa wikang Spanish at nangako na bibili ito ng kendi kung sasamahan siya.
At iyon ng huling pagkakataon na nakita siya ng kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang ina na namatay noong 2005.
Paano nga ba natagpuan si Luis?
Tara, alamin natin yan.
Matapos kidnapin, si Luis ay pinalaki ng mag asawa sa east coast.
At sa hindi inaasahang twist of fate, ang pamangkin ni luis na si Alida Alequin, 63 taong gulang ay kumuha ng online DNA test noong 2020 “Just for fun” at ipinakita nito ang 22% na resultang tugma kay Luis.
Ngunit muli silang nabigong hanapin si Luis, kaya’t sa tulong ng kanyang mga anak nagsimula silang magresearch sa pamamagitan ng microfilm archive ng Oakland Tribune sa Oakland Public Library.
Kasama ang mga ebidensya na nakolekta mula sa mga archive at larawan nina luis at roger (kuya ni Luis) , agad nagtungo si Alequin sa isang law enforcement agency at hiniling na muling buksan ang kaso ng missing person.
Sa kaniyang pagsisikap noong Hunyo 20, ipinaalam ng pulisya na natagpuan na si luis.
Ikaw, handa mo bang hanapin ang nawawala mong kamag-anak?