Nagbanta ang Filipino singer na si Arnel Pineda na kakalas na sa bandang Journey.
Ito ang matinding pahayag ni Arnel matapos dagsain ng pagbatikos!
Ang dahilan kung bakit siya binatikos ng husto? Tara alamin natin ‘yan!
Hindi kinaya ni Arnel Pineda ang kaliwa’t-kanang pagbatikos sa kaniya ng mga netizen matapos ang kaniyang huling performance sa ginanap na Rock in Rio Music Festival sa Rio de Janeiro.
Sa nasabing performance ni Arnel noong September 21, 2024, napansin ng fans ng Journey na hirap na hirap ito nang kantahin ang awiting “Don’t Stop Believing,” isa sa pinakasikat na awitin ng bandang Journey.
Lalong nakita ng mga netizen, ang hirap na hirap na pagkanta ni Arnel ng nasabing awitin nang i-post ng isang Facebook page sa Brazil ang performance nito.
Sa kaniyang Facebook account, agad na nag-sorry si Arnel at inilabas din nito ang kaniyang sama ng loob dahil sa kaliwa’t-kanang pambabatikos na natanggap.
Inamin din nito na maging siya ay nadismaya sa kaniyang performance.
Sinabi pa ng singer na sobra siyang naapektuhan ng matitinding batikos at nakakalungkot lang daw dahil sa isang libong magandang bagay na kaniyang nagawa ay nasira ito dahil lamang sa isang pagkakamali at doon pa raw sa Rock in Rio ito nangyari.
Naapektuhan daw siya mentally at emotionally.
Pagkatapos nito ay nagbanta na si Arnel na iiwan na lang ang kaniyang grupo kung saan sinabi nito na mag-comment lang ng “go” or “stay” ang mga nagagalit na fans at kapag umabot ng isang milyon ang comment na go ay aalis na siya ng tuluyan sa grupo.
Samantala, ipinost din ni Arnel ang link ng kaniyang performance sa kaniyang post sa Facebook.