Ano nga ba ang laban ng isang babae sa tatlong lalaki?
Kamakailan ay nangyari sa Amritsar, India ang pambihirang tagpo na ito sa pagitan ng tatlong kawatan at ng isang ginang.
Isang araw habang nagsasampay sa itaas ng kanilang bahay, nakita ng isang nanay ang tatlong lalaki na umaakyat sa kanilang bakod.
Dahil sa advantage na iyon ay mabilis siyang bumaba at nakipagtulakan pa sa mga kawatan na nasa pintuan para mapigilan ang mga ito sa panloloob.
Buong lakas pa niyang hinila ang sofa at ginamit pang harang sa pinto bago tinawagan ang mga pulis.
Tanging ang nanay at ang dalawang anak lang nito ang nasa bahay nang mangyari ang insidente habang nasa shop naman ang kanyang nag-aalahas na mister na agad natawagan ng mga kapitbahay.
Sa huli, hindi nagtagumpay ang mga kawatan at tumakas na lamang.
Mabuti na lamang at mayroong cctv footage na siyang hawak na ng mga awtoridad para matukoy at mahuli ang mga akyat bahay.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang pangyayaring ito?