Naghahanda na ang Pilipinas para sa nalalapit na pagbisita sa Pilipinas ng Emperor at Empress ng Japan .
Sinabi ni Presidential communications Secretary Sonny Coloma, na maituturing na makasaysayan ang magiging pagbisita sa bansa nina
Unang bumisita sa bansa ang emperor at empress noon pang 1962 at magiging makabuluhan ang ikalawang pagdalaw dahil matataon ito sa ika-60 taong anibersaryo ng normalisasyon ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Japan.
Sinabi ni Coloma na inaasikaso na ng Department of Foreign Affairs at ng ministry of foreign affairs ang mga detalye sa nakatakdang pagbisita sa pilipinas nina Emperor Akihito at Empress Michiko.
By: Aileen Taliping (patrol 23)