Walang makikitang labi ang pamilya ng Pilipinong binitay sa Saudi Arabia.
Ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh, hindi pinapayagan ng Kingdom of Saudi Arabia ang makauwi sa kani-kanilang bansa ang iba pang binitay doon dahil sa umiiral na batas.
Matatandaang nitong a-singko lamang ng Oktubre nang bitayin ang isang Pilipino matapos paslangin ang isang Saudi national sa pagpalo ng martilyo sa ulo dahil sa away sa negosyo.
Iginiit ni Riyadh Charges d’ Affaires Rommel Romato na tumulong din ang Saudi government para ipagpaliban ang pagbitay sa naturang Pilipino at makahingi ng tawad sa pamilya ng biktima, ngunit hindi pumayag ang kampo ng biktima at tinanggihan din ang alok na ‘blood money’.
Kaugnay nito, siyam na pilipino pa ang sinasabing nasa death row, kung saan isa rito ang nakapatay din ng Saudi national.