Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng rice trade, smart agriculture, research & technology, farm management at sustainability.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos ang kanyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos.
Umaasa naman ang Presidente na magiging matagumpay ang Team Canada Trade Mission sa Pilipinas sa darating na Disyembre.
Sa bilateral meeting kasama ang New Zealand, sinabi naman ni Pangulong Marcos na tinalakay nila ang mga paraan upang higit pang palakasin ang bilateral cooperation lalo pa’t malapit nang ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa 2026.
Bukod dito, ibinida rin ng Punong Ehektibo na nakapulong niya ang mga lider ng Laos, European Union o EU at Japan kung saan ipinahayag ang kapwa paninindigan na higit pang palalakasin ang kanilang bilateral relations.