Sa dami ng paraan para mangdisiplina ng mga bata, ano nga ba ang pinakamabisa?
Ang isang teacher sa Davao City, tila iba at nakapanlulumo ang pamamaraan para disiplinahin ang kanyang estudyante.
Kung ano ang nangyari, tara, alamin natin.
Umuwing umiiyak sa kanilang bahay ang isang kindergarten student dahil pinunit ng teacher ang kanyang pinaghirapan na project.
Sa social media post ng ina ng bata ay makikita itong umiiyak at nakasuot pa ng uniporme at kasama rin ang litrato ng punit niyang project.
Dahil sa hindi makatwiran na pangyayari, kinausap ng nanay ang teacher ng anak at tinanong kung paanong nauwi sa pagkapunit ang project ng bata.
Sagot ng teacher, nagawa niya lang naman daw ito dahil gusto niyang turuan ng leksyon ang bata na ilang beses niyang sinaway sa pakikipagdaldalan.
Samu’t-sari ang naging opinyon ng mga netizens sa social media. Hati ang pabor sa tamang pangdidisiplina at sa paraan na ginawa ng guro. Maski ang pag-post ng nanay sa social media ay pinuna rin at sinabing sa principal daw sana muna dinaan ang reklamo.
Para sayo, ano ba ang tamang paraan para mangdisiplina?