Kaugnay sa darating na 2025 elections, pinapili sa labindalawang Senate candidates sa isang SWS survey ang 1,500 respondents na edad 18-year-old pataas mula Luzon, Visayaz, at Mindanao na tumagal mula September 14-23.
Makikita sa resulta na pinangunahan ito ng sampu sa labindalawang myembro ng ipinakilalang Senatorial Slate ng administrasyon ang inilabas na resulta ng SWS voter preferences for senators.
Leading si Congressman at ACT-CIS representative Erwin Tulfo at nakakuha ng voting preference na 54%, habang pumangalawa naman sa listahan si former Senate President Tito Sotto.
Kasunod nila si Senator Pia Cayetano na nakakuha ng 31%, habang magkasama naman sina senator Imee Marcos at former President Rodrigo Duterte sa rank 4-5.
Pareho ring lumapag sa rank 6-7 sina former Senator Ping Lacson at Senator Bong Revilla.
21% naman ang gained voting preference ni Las Piñas city representative Camille Villar, habang tie naman sa rank 9-10 sina Makati Mayor Abigail Binay at Senator Lito Lapid.
Sama-sama naman sina sina former Senator Manny Pacquiao, Senator Bato dela Rosa, at Senator Bong Go sa rank 11-13 na may 18%.
Matatandaang inendorso at isa-isang ipinakilala ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Senatorial Slate ng administrasyon sa ginanap na Alyansa ng Bagong Pilipinas noong September 26.