Tumaas ng 11 points ang resulta ng recent survey kumpara sa isinagawang March 2024 survey na nagresulta ng (+29) na moderate.
Makikita sa tinatawag na Governance Report Card ng SWS kung ilan ang bilang ng mga survey respondents na satisfied, undecided, at dissatisfied sa performance ng administrasyon sa specific issues.
Kabilang sa unang hilera ang tatlong subjects na may rating na ‘very good’ ay ang Helping Victims of Disasters, Improving the Quality of Children’s Education at Helping the Poor.
Ang sumusunod naman ang binigyan ng respondents ng ‘good’ na rating: Implementing Housing Programs for the Poor, Developing Science and Technology, Creating Policies that will Generate Job Ppportunities, Ensuring an Efficient Public Transportation System, at Ensuring Food Security.
Moderate naman ayon sa ilang respondents ang Preparing for Problems being Caused by Climate Change, Defending PH Sovereignty in the West Philippine Sea, and Ensuring that no Family will ever be hungry.
Habang tig-dalawang subjects naman ang nakailalim sa neutral na Fighting Crimes that Victimize Ordinary Citizens at Ensuring Oil Companies Do Not Take Advantage of Oil Prices, at poor naman Ang Eradicating Graft and Corruption in Government at Fighting Inflation.
Sa sumatotal na +40, lumabas sa resulta na 62% ng mga adult filipinos ang satisfied, 15% naman ang undecided, at 22% ang dissatisfied sa performance ng administrasyon.
Isinagawa ang second quarter ng survey sa 1,500 respondents na edad 18-year-old pataas noong June 23 hanggang July 1, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.