Binaril at napatay ang 42-anyos na driver na si Rowell Dela Cruz sa Guiguinto, Bulacan matapos ang isang alitan.
Ayon sa pulisya, pumunta si Dela Cruz sa barangay hall upang maghain ng reklamo laban kay Jojo Emelo.
Ngunit paglabas niya ng Barangay Hall, ay inabangan na siya ng suspek at binaril sa ulo, na agad ikinasawi ng biktima.
Ang kanilang alitan ay sinasabing nagsimula sa isang away-bata hanggang sa mauwi sa pamamaril.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para mahuli ang tumakas na suspek.