Sumirit pa noong Setyembre ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng involuntary hunger o mga Pilipinong walang makain na hindi bababa sa isang beses sa loob ng tatlong buwan.
Ito’y batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations kung saan nakapagtala ng 22.9% na bilang ng mga Pilipinong nasa ilalim ng involuntary hunger.
Mas mataas ito kumpara sa ulat noong Hunyo na mayroon lamang 17.6%.
Sa kabuuan ng 22.9% na bilang, nasa 16.8% ang mga Pilipinong nakakaranas ng moderate hunger habang 6.1% naman ang nasa severe hunger.
Nagmula sa mga mahihirap ang mga karamihan sa mga Pilipinong gutom kung saan ang ilan ay mga self-rated poor at self-rated food poor. - sa panulat ni Alyssa Quevedo