Patuloy pa rin na ipinaglalaban ang karapatang pantao magpa-hanggang ngayon, pero paano naman ang karapatan ng mga hayop na hindi makalaban para sa kanilang mga sarili?
Ganon na lang ang ipinakitang galit ng mga tao sa comments section ng isang viral Facebook video sa Naga City.
Bakit? Alamin natin.
Sa isang video na in-upload ni Mary Ann Armillo Oira noong October 8, makikita ang isang gray na SUV sa hindi kalayuan.
Kung titignan ay mabagal ang takbo ng sasakyan at tila normal lang ang lahat. Ngunit nang i-zoom ng uploader ang video, mapapansin ang isang kambing na aakalaing nakasunod dito.
Pero ang totoo, ito pala ay nakatali sa likuran ng SUV!
Sinabi ni mary ann na inakala raw niya noong una na baka walang ideya ang driver ng suv sa nangyayari. Pero nang mag-overtake sa nasabing sasakyan ay nakita niya na nakangisi pa ang driver!
Aniya, marami ang nakapansin at bumusina sa SUV at sinusubukan pa niyang pigilan ito sa pamamagitan ng pag-overtake pero nagtuluy-tuloy lang ito sa pag-andar.
Sinabi niya rin sa comments na pakiramdam niya ay sinadya itong gawin ng driver dahil sa ekspresyon ng mukha nito.
Sa ngayon, mayroon nang 2.3 million views ang video at 3.1k comments. Marami naman ang nag-tag sa Philippine Animal Welfare Society para ipaalam dito ang pangyayari.
Ikaw, anong opinyon mo sa malupit na ginawa ng driver?