Normal ang humanga sa mga taong attractive sa ating paningin. Pero normal din ba na may malaking bagay na mawawala sa atin dahil dito?
Kung paano ito nangyari sa isang lalaki, alamin natin.
Ang perang gagamitin sana para makapagsimula ng negosyo, nawala pa!
Nangyari yan sa isang lalaki sa Negros nang may makita siyang isang babaeng foreigner na sobrang ganda at tila tumigil daw sa pag ikot ang mundo niya.
Aniya, pinakitaan siya ng Dolyar ng babae nang kausapin siya nito. At doon na niya hindi namalayang naibigay sa babae ang P200k na gagamitin niya sanang puhunan sa baboy.
Agad din daw umalis ang foreigner nang makuha ang pera at iniwanan pa siya ng regalo.
Hindi raw agad ito naipaalam ng biktima sa mga awtoridad dahil tila natulala at hindi agad napagtanto ang nangyari.
Ani ng biktima, nawa’y magsilbing aral ito sa lahat.
Pinaghahanap naman ngayon ang nasabing babae.
Ikaw, ano ang gagawin mo kapag sa’yo naman ito nangyari?