Ika nga ng mga nagpapakasal, ‘for better or for worse, til death do us part.’
Pinangatawanan yan ng isang babae sa malaysia ngunit biglang nagkaroon ng kakaibang takbo ang kanyang buhay may-asawa nang biglang magpakasal sa iba ang lalaki nang maka-recover na ito o noong gumaling ito.
Ang buong kwento, alamin.
Ibinahagi ni Nurul Syazwani sa social media ang naging buhay nila ng asawa nang maparalisa ito sa loob ng anim na taon dahil sa isang car accident. Ipinakita niya kung paano inalagaan ang asawa katulad ng pagpapakain dito gamit ang nasogastric tube, pagpapalit ng diaper, at pagpapaligo rito.
Dahil sa kanyang dedikasyon, hinangaan siya ng mga tao at nagkaroon ng 32,000 followers sa kanyang Facebook account.
Pero ganoon na lang ang gulat ng mga ito nang mag-post si Nurul kung saan cinongratulate niya ang dating asawa at ang babaeng pinakasalan nito.
Iyon pala ay dinovorce siya ng kanyang ex-husband matapos maka-recover at nagpakasal sa ibang babae.
Sa isa na ngayong deleted post, hiniling ni Nurul na sana ay maging masaya ang dating asawa at sana ay alagaan ito ng bagong misis katulad ng pag-aalaga na ibinigay niya rito.
Hindi naman naiwasan ng mga viewers na ipakita ang kanilang disappointment nang ma-finalize ang divorce ng dalawa noong October 4.
Sinabi naman ni Nurul na ginawa naman ng kanyang ex-husband ang mga responsibilidad nito at napagkasunduan nila na pagtulungan ang pagpapalaki sa kanilang anak. Hiniling din ni nurul na sana ay tigilan na ang pangha-harrass sa ex-husband at sa bagong asawa nito.
Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens at nagbigay ng samu’t-saring komento. Kung kaya naman binura ni Nurul ang post at humingi ng tawad sa bagong kasal dahil sa mga naging komentaryo
Ikaw, ano ang opinyon mo sa nakalulungkot na kwentong ito?