Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na muling silipin at pag-aralan ang dating River Basin Project sa Bicol.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., posibleng makatulong ang naudlot na proyekto ng kanyang amang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na Bicol River Basin Development Program upang maibsan ang malawakang pagbaha sa nasabing rehiyon.
Giit ng presidente, kailangan muling pag-aralan ang napurnadang proyekto dahil iba na anya ang kondisyon ng panahon ngayon dahil sa climate change phenomenon.
Binigyan-diin pa ni PBBM na pinalalala ng climate change ang mga nagiging epekto ng mga bagyong dumaraan ng bansa. – Panulat ni Kat Gonzales