Ano ang gagawin mo kung ang mga alagang hayop na pinakaiingatan mo ay matagpuan mo na lang na walang buhay?
Ganyan ang nangyari sa isang farm sa Parecis sa Rondonia, Brazil.
Kung ano ang kwento, alamin.
Sa isang video, makikita ang napakaraming baka na tabi-tabing nakabulagta sa damuhan.
Kung titignan ay akalain na natutulog lamang ang mga ito ngunit ang totoo, patay na pala ang mga ito at naninigas na ang mga katawan!
Sa ganyang kondisyon inabutan ng caretaker ng Vila Basco ang 98 sa mga alaga nilang baka sa farm.
Ayon sa caretaker, bumuhos daw ang malakas na ulan na may kasamang kidlat isang araw bago ang pangyayari.
Hanggang sa nakita na lang daw nito na patay na ang mga baka matapos magsagawa ng routine inspection.
Ang parecis pala ay isang mataas at mabundok na lugar kung kaya may posibilidad na tumama sa lupa ang kidlat na maaaring naging sanhi para makuryente nang sabay-sabay ang mga baka.
Gayunpaman, malaking problema pa rin sa farm ang pagkamatay ng mga baka kahit may iilan na lang ang nakaligtas.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang makaranas nito?