Tila kinokontrol ng kakaibang elemento ang katawan ng lalaking sakay ng pinahintong sasakyan sa Florida, USA para magsagawa ng routine traffic stop.
Kung ano ito, alamin.
Sa isang video na nagmula sa Volusia’s County Sheriff’s Office, makikita ang isang lalaking nakaupo sa passenger seat ng sasakyang pinahinto sa gilid ng kalsada.
Kapansin-pansin ang kakaibang kilos ng lalaki dahil hindi ito mapakali at lumiyad pa sa bintana ng sasakyan!
Agad siyang inalalayan ng mga awtoridad para muling ipasok ang kanyang katawan sa sasakyan.
Sumunod nito ay tinitigan niya lang ang mga opisyal at biglaang umamba ng takas nang buksan ang pinto. Pero hindi pa man nakakalayo ay agad siyang nahuli ng mga ito at pinadapa sa damuhan.
Pagkatapos noon ay ininspeksyon ng mga awtoridad ang sasakyan nito at doon na bumulaga sa kanila ang tunay na rason kung bakit tila balisa at hindi makausap nang maayos ang lalaki.
Kung ano ang mga ito?
Apat na kilo lang naman ng iba’t ibang klase ng droga! Kabilang sa mga ito ang ecstasy, aphetamine, ketamine, at cannabis.
Hindi na rin pinalampas ng mga otoridad ang bahay ng suspek kung saan nakatira ito kasama ang kanyang ama. Nang halughugin ito ay tumambad sa kanila ang mas marami pang uri ng droga katulad ng cocain at magic mushroom na siyang kinukunsidera na pinakamaraming bilang ng droga na nakumpiska sa Volusia County
Bukod pa sa mga iligal na droga ay mayroon ding nadiskubreng baril sa bahay nito at ang isa ay nakaw pa!
Hinuli ang supek na si Carey Thomas Crownover na pinatawan ng patong-patong na kaso kasama ang kanyang ama at ang kasama nitong driver sa sasakyan.
Ikaw, anong masasabi mo sa biglaang nadiskubreng krimen na ito?