Posibleng abutin pa ng isang linggo ang pagsalba sa tumagilid na fuel tanker sa Batangas Port bunsod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine noong nakaraang linggo.
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, wala umanong ulat ng oil spill na nagmula sa nangyaring insidente.
Ayon kay Coast Guard Station Batangas Acting Commander, Captain Airland Lapitan, hinihintay muna nila ang plano ng salvor.
Gayunman tiniyak niya na i-e-evaluate nila ang gagawing plano upang matiyak ang kaligtasan sa gagawing operasyon.
Una nang sinabi ng manager ng Batangas Port, na nakapagsumite na sila sa PCG ng underwater survey sa capsized vessel. -sa panulat ni Alyssa Quevedo