Muling nakapagtala ang PHIVOLCS ng tatlumpu’t isang lindol sa Bulkang Kanlaon.
Ayon sa PHIVOLCS Resident Volcanologist sa Mt. Kanlaon observatory na si Mari-Andylene Quintia, nabuo ang mga pagyanig sa pamamagitan ng mga proseso ng pag-fracture ng bato sa paligid ng bulkan.
Bukod dito, nakapagtala rin ang ahensiya ng pagbuga ng 6,993 toneladang volcanic sulfur dioxide mula sa nasabing bulkan.
Dahil dito, nagbabala na ang PHILVOLCS sa publiko sa posibleng pagsabog ng bulkang Kanlaon. - sa panulat ni John Riz Calata