Umamin ang isa pang opisyal ng Department of Education na tumanggap siya ng mga sobre na may lamang pera mula kay Vice President Sara Duterte noong ito pa ang kalihim ng ahensya.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, tinanong ni Commitee Chairman at Manila Third District rep. Joel Chua si DEPED Chief Accountant Rhunna Catalan, kung nakatanggap ba ito ng pera mula sa bise presidente at sumagot naman ang DEPED official ng ‘oo’.
Ayon kay Catalan si Deped Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda ang nagbibigay sa kanya ng envelope buwan-buwan mula February hanggang September 2023.
Inamin din ni Catalan na hiniling sa kanya ni Fajarda na pumirma sa liquidation voucher para sa kabuuang 112.5 million pesos na confidential fund ng DEPED noong 2023.
Si Catalan ang ikaapat na opisyal na umamin sa pagdinig House Committee on Good Government and Public Accountability na nakatanggap ng pera mula kay Duterte. - sa panulat ni Kat Gonzales