Posibleng maharap sa kasong kriminal si dating spokesman Winston Casio.
Ito ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Gilbert Cruz sakaling makahanap ng sapat na ebidensya sa kanilang imbestigasyon laban sa dating tagapagsalita ng PAOCC.
Dagdag pa ni Undersecretary Cruz, nasa admin na lamang si Casio at hindi na maaaring sumama pa sa mga operasyon at magsalita hinggil dito.
Matatandaang sinibak si Casio sa pwesto bilang tagapagsalita ng PAOCC dahil sa pananampal nito sa isang indibidwal sa pagsalakay ng PAOCC sa isang POGO hub sa Bataan. – sa panulat ni Alyssa Quevedo