No show muli ang mga dating opisyal ng Department of Education at Office of the Vice President sa pagdinig ng kamara.
Kasunod na rin ito nang idinaos na ika apat na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa kuwestyunableng paggamit ng pondo ng OVP at ng DEPED nuong si VP Sara pa ang DEPED Secretary.
Sa halip, iginiit ng mga naturang opisyal sa isinumiteng position paper na karapatan nilang huwag dumalo sa imbestigasyon dahil mayruon nang nakabinbing kaso sa korte hinggil sa isyu.
Bukod dito, sinabi ng mga opisyal na wala silang natanggap na subpoena at hindi rin isinama sa imbitasyon ang draft bill para sa impormasyon ng resource person dahil malaki na anila ang ipinagbago ng subject matter ng pagdinig at hindi na nauugnay sa original issue.
Dahil dito, isinulong ni Congressman Joseph Stephen Paduano ang pagpapalabas ng Subpoena Ad Testificandum laban sa mga nasabing opisyal.
At kapag nabigo pa rin ang mga nasabing opisyal na dumalo sa susunod na pagdinig ay ipapa-contempt na at ipapaaresto rin ang mga ito.
Una nang hiniling ni Committee Chairman Joel Chua sa Department of Justice na msglabas ng lookout bulletin order sa mga nabanggit na opisyal ng OVP.