Nilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes na hindi na MMDA ang namamahala sa Edsa busway.
Ayon kay Chairman Artes, Hunyo 30 pa nang palitan ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation ang mga nagbabantay sa Bus Carousel kaya’t wala na silang hurisdiksyon doon.
Gayunman, sinabi ng opisyal na bukas pa rin silang manghuli ng mga traffic violator sakaling hilingin ng DOTR-SAICT ang kanilang tulong.
Samantala, handa namang magpaliwanag ang MMDA sakaling matuloy ang planong imbestigasyon ni Senador Raffy Tulfo kaugnay sa SUV na iligal na dumaan sa Edsa Bus Lane na may plakang numero syete.