Bumaba ang farm at fisheries production value ng Pilipinas ng 3.7% o katumbas ng 397 billion pesos noong third quarter ng taon.
Ayon sa Department of Agriculture, ang pagbaba ng pruduksyon ay resulta ng masamang panahon at sa nagtatagal na epekto ng African Swine Fever sa hog production.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang halaga ng palay production ng 12.3% na nagresulta sa 5.1% na pagbaba sa overall crop output at may halagang 211.62 two billion pesos.
Kaugnay nito, bumaba rin ng 8% ang hog production, isang major contributor sa livestock subsector gayundin ang fisheries subsector ng 5.5 noong ikatlong bahagi ng taon.