Maraming fur-parents ang itinuturing na stress reliever ang mga alaga nilang hayop. Patunay niyan ang isang pusa sa Russia na naging overweight at nahirapang maglakad…
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Nag-viral sa isang Russian social network na Vkontakte (veecontact) ang pictures ng 14-year-old na obese na pusa na si Kroshik matapos itong ipost ng volunteers ng Matroskin Animal Shelter sa Perm, Russia.
Makikita sa picture na hirap ang babae na buhatin ang pusa dahil masyado itong malaki at mataba!
Ayon sa staff ng Matroskin, si Kroshik ay isang rescue animal mula sa isang local hospital na tinawagan sila dahil hindi na ito makalakad sa sobrang katabaan at dahil na rin sa edad.
Nanirahan si Kroshik sa basement ng ospital at lumobo na lang ang katawan dahil sa overfeeding.
Ayon pa nga sa Matroskin Animal Shelter, sobra-sobrang pagmamahal daw ang ibinigay kay Kroshik dahil ang fans nito ay palagi siyang dinadalhan ng mga pagkain at naging unofficial mascot pa ng ospital.
Nang i-examine naman siya ng mga veterinarian ay lumabas na 17 kilograms ang kanyang timbang kahit na nasa pagitan lang dapat ito ng 5-7 kilograms.
Binigyan ng drastic weight loss program si Kroshik at ginawan din ng improvised water treadmill sa isang maliit na bathtub ng kanyang bagong taga-pangalaga upang makapagbawas ng timbang.
Ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ito ng buhay ilang linggo lang matapos siyang dalhin sa fat camp.
Nagkaroon naman daw ng progress si kroshik at nakapagbawas ng 7 pounds ngunit nagkaroon din ng problema sa paghinga at nasawi.
Pinaniniwalaan ng mga veterinarian sa diet center na hindi hindi agad nakita sa scans ang cancerous tumors na namuo sa kanyang spleen at iba pang organs dahil sa sobrang taba, bukod pa riyan, pinaniniwalaan din nila na ang tumors ang nag-trigger sa marami pang organs na mag-collapse.
Sinabi naman ng may-ari ng Matroskin cat shelter na hindi pa rin sigurado kung ano ang cause of death ni Kroshik dahil isasagawa pa lang ang kanyang post-mortem exam.
Samantala, nagpasalamat naman ang bagong taga-pangalaga ni Kroshik sa rehabilitation center at sa mga taong tumulong.
Ikaw, ano ang reaksyon mo sa nakakalungkot na kwento na ito?