Handa na si dating pangulong Rodrigo Duterte na ipasa sa iba ang pamumuno sa Davao City kung saan siya matagal na naging alkalde.
Aminado ang dating pangulo na hindi na niya na talaga nais sumabak sa pulitika at ipinauubaya na niya sa diyos kung sinuman ang mabalo at hindi naman kailangang duterte ang maging sunod na mayor.
Sinabi ni Duterte na tapos na ang kanyang political career at handa na niyang ipasa sa susunod na henerasyon ang pamumuno sa lungsod at iniiwan na sa kapalaran ang sasapitin ng kanyang mga anak sa pulitika.
Magugunitang naghain ng Certificate of Candidacy sa paparating na 2025 midterm elections ang mga Duterte.
Ang dating pangulo ay tatakbo sa pagka-alkalde ng Davao City kalaban si dating civil service commission chair at First District Representative Karlo Nograles, independent candidates Bishop Rod Cubos, social media personality roweno Caballes, Joselito Tan, at Jonathan Julaine.
Ang incumbent Davao City Mayor na si Sebastian Duterte ay tatakbo naman sa pagka-bise alkalde habang ang nakatatandang kapatid nito na si Rep. Paolo Duterte ay tatakbo muli sa pagkakongresista sa ikatlong pagkakataon.