Sinimulan nang imbestigahan ng Department of Information and Communications Technology ang panibagong serye umano ng unauthorized transactions sa e-wallet platform na Gcash.
Ayon kay DICT Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity, and Upskilling Jeffrey Ian Dy, nakikipag-ugnayan sila sa Gcash, na nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon.
Ipinunto ni Usec. Dy na nananatiling boluntaryo ang pagsali sa Gcash at walang batas na nagbibigay ng mandatory powers sa DICT na obligahin silang managot kaugnay sa cybersecurity.
Kung mayroon anyang cybersecurity incident, ang trabaho ng DICT ay tiyaking hindi lalawak ang insidente at kung kailangan ng naturang e-wallet platform ng tulong ay handang umalalay ang kagawaran.
Samantala, umapela ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko na isumbong ang mga scams at lahat ng uri ng cybercrimes sa inter-agency response center hotline 1326 sa halip na magbulalas ng galit sa social media.