Posibleng magpatuloy ang pagpasok ng bagyo at manalasa sa ilang lugar sa bansa hanggang sa unang quarter ng 2025.
Ayon kay PAGASA Chief of Climate Monitoring and Prediction Section na si Analiza Solis, may nakikita silang posibilidad na magkakaroon ng hindi bababa sa isang bagyo kada buwan hanggang marso sa susunod na taon.
Ipinaliwanag rin nito na maaaring isa sa mga sanhi ng pamumuo ng kaulapan sa Pacific ocean ang La Niña-like conditions na nararanasan ngayon ng bansa.