May nakaambang rollback o tapyas presyo sa diesel at kerosene ngayong linggong ito.
Ayon sa source sa industriya, maglalaro sa P0.50 hanggng P0.60 centavos ang rollback sa kada litro ng diesel.
Habang nasa P0.50 hanggang P0.75 centavos naman ang inaasahang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Gayunman, walang katiyakan kung mayroon ding rollback sa presyo ng gasolina dahil sa bahagyang pagmahal ng presyo nito sa World Market.
By Jaymark Dagala