Kinumpirma ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iral ng reward system para sa mga pulis na makakapatay ng drug suspect sa ilalim ng drug war campaign ng kanyang administrasyon.
Ayon sa dating pangulo, mapupunta ang pabuya sa pulis, kung ang suspek ay mapapatay o maaaresto, basta’t na-resolba ang kaso.
Ito rin aniya ang nagsisilbing pondo ng pulisya sa tuwing out-of-town ang operasyon.
Nang tanungin ni Kabataan Party-List Rep. Raoul Manuel, inamin din ng dating pangulo ang pagkakaroon ng isang ‘muking’ na siyang nangangasiwa ng reward system, at isang empleyado ng presidential management staff.
Samantala, tumanggi namang sumagot ang dating presidente kung nanggaling sa confidential funds ng Office of the President ang nasabing pondo.
Bago rito ay sinabi ng dating pangulo na nagmumula ang pera sa peace and order funds ng executive offices. – sa panulat ni Laica Cuevas