Iginiit ni dating pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang i-alay ang kanyang buhay kung magpapatunayan ang mga akusasyon ni dating senador Antonio Trillanes IV laban sa kaniya.
Pabababain rin anya sa pwesto ang lahat ng kanyang mga anak sa politika kung mapapatunayan kahit konti ang mga sinasabi ng dating senador.
Binigyan-diin pa ng dating pangulo na handa siyang pumirma ng waiver upang mabuksan ng komite ang kanyang mga bank account.
Una rito, isiniwalat ni Trillanes na mayroong pumasok na two point four billion pesos sa bank accounts ng pamilya Duterte na sinasabing drug money. – – Kat Gonzales