Tinatayang 200 tauhan ng Office of the Vice President ang mawawalan ng trabaho kung hindi maibabalik ang 1.3 billion pesos na tinapyas sa panukalang budget ng nasabing tanggapan para sa susunod na taon.
Sa panayam ng senado, sinabi mismo ni vice President Sara Duterte na dahil sa malaking halaga na ibinawas sa kanilang panukalang pondo, maaaring magsara ang ilan sa kanilang satellite offices.
Umaasa naman ang bise presidente na maibabalik pa ang ibinawas na halaga sa kanilang budget, ngunit handa naman aniya nilang tanggapin kung anumang ibigay sa kanila ng kongreso. – Sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)