Naghahanda na ang Department of Migrant Worker para sa posibleng mass deportation sa mga Pilipinong sa United States.
Ayon kay Migrant Worker Secretary Hans Leo Cacdac, tinatayang aabot ng 370,000 ang posibleng mapabalik ng bansa ngayong balik-White House na si US President-elect Donald Trump.
Inaasikaso na anya nila ang iba’t ibang kinakailangang tulong ng mga apektadong pilipino kabilang ang financial at legal support.
Binigyan-diin pa ng DMW na nakahanda silang tulungan ang lahat ng Overseas Filipino Workers dokumentado man o hindi. - Sa panulat ni Kat Gonzales