Nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong nationwide survey ng Social Weather Stations o SWS.
Ayon sa survey, 38 porysento ang nakuha ni Duterte na mas mataas ng 17 porsyento kina Senadora Grace Poe at Vice President Jejomar Binay na kapwa nakakuha ng 21 porsyento.
Labing limang (15) porsyento naman ang nakuha ni LP Standard Bearer Mar Roxas, 4 na porsyento ang kay Senadora Miriam Defensor Santiago habang nag-iisa ang undecided.
Ayon pa sa SWS, si Duterte rin ang top choice ng lahat ng kanilang mga tinanong na botante anuman ang antas nito sa buhay at kung saan man ito naroon.
Ginawa ang survey noong Nobyembre 26 hanggang 28 o lima hanggang anim na araw matapos magdeklara si Duterte na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
By Jaymark Dagala