Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III kung bakit kulay at hindi numero ang ginagamit na rainfall warning ng PAGASA.
Ayon kay Senador Pimentel, walang natural na kulay na nag-uugnay sa babala ngunit kung numero ang gagamitin ay maaaring makita ang antas ng alarma at mas madaling intindihin.
Giit ng senador, kapag sinabi na red, yellow, o orange rainfall warning, wala itong dating dahil neutral ang kulay.
Nais aniyang mula number 1 hanggang 5 ang gagamitin kung saan 5 ang pinaka-alarming situation.
Kaugnay nito, aminado naman si Senador Juan Miguel Zubiri, na siyang budget sponsor ng PAGASA na sya mismo ay nalilito sa rainfall warning, dagdag pa ang kung minsan ay palpak na forecast ng ahensya.
Ngunit iginiit ni Senador Zubiri, ang problema ngayon ay ang mga palyadong doppler radars na nakaka-monitor ng dami ng ulan gayundin ang kakarampot na budget para rito.