Iginiit ng Philippine National Police na bumaba ng 21.42% ang mga naitalang kaso sa bansa mula noong September 1 hanggang November 10.
Ayon kay PNP PIO Chief Brigadier General Jean Fajardo, nakapagtala ng 5,984 na bilang ng mga krimen sa buong bansa mas mababa ito ng 1,631 mula sa 7,615 kasong naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni B.Gen. Fajardo pinakamalaking pagbaba ang naitala sa kasong robbery na may 25.64% na pagbaba at kasong theft na may 10.14%.
Dahil anya sa datos na ito, naputol ang sinasabing trend na tumataas ang mga krimen sa panahon ng βberβ months dahil sa pagtaas ng paglabas ng mga tao ngayong holiday season.
Giit pa nito, layunin ng PNP na panatilihin ang pagpapatibay sa anti-criminality efforts nito.
Kabilang sa security preparations nito ay ang pagkansela sa lahat ng vacation leaves ng mga police officers mula December 15 ngayong taon hanggang January 10 sa susunod na taon. - sa panulat ni Alyssa Quevedo